Unang grupo ng pagliligtas ng Tsina, papunta na sa Türkiye para tumulong

2023-02-07 15:57:58  CMG
Share with:

Ipinadala Martes ng umaga, Pebrero 7, 2023 ng Zhejiang Rescue Team of Ramunion, grupo ng pagliligtas ng Tsina, ang unang pandaigdigang pangkat sa lugar na pinakamalubhang apektado ng lindol sa Türkiye.

 

Dala ang mga modernong life detector, kasangkapan sa paglalansag ng estruktura, at isang rescue dog, ang nasabing grupo ay binubuo ng 8 dalubhasa na may mayamang karanasan sa pagliligtas sa mga nilindol na purok.

 

Bukod pa riyan, boluntaryong ino-organisa ng mga overseas at ethnic Chinese sa Türkiye ang kampanyang panaklolo.

 

Sa kasalukuyan, ipinadala na sa mga kaukulang departamento ng Türkiye ang unang pangkat ng mga nakolektang kagamitang tulad ng mga tolda, sleeping bag, at kumot.

 

Matatandaang niyanig, Pebrero 6 ng magnitude 7.7 na lindol ang lalawigang Kahramanmaras ng Türkiye, at malubhang naapektuhan ang di-kukulanging 10 kalapit na lalawigan.

Dalawang libo siyam na daan dalawampu’t isa (2,921) katao ang naitalang nasawi.

 

Sumusulong pa rin ang gawain ng paghahanap at pagliligtas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio