Kinatawang Tsino sa UN: magkakasamang itatatag ang komunidad ng pinagbabahaginang pag-unlad ng buong mundo

2023-02-09 16:23:07  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa espesyal na pulong ng United Nations Economic and Social Council (UNESC) na pinamagatang “Doha Programme of Action as an Accelerator of the Implementation of the 2030 Agenda,” ipinahayag, Pebrero 8, 2023, ni Dai Bing, Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN, na dapat igiit ng komunidad ng daigdig ang totoong multilateralismo, lubos na pahalagahan ang papel ng UN bilang plataporma, gawing priyoridad ang pag-unlad sa framework ng makro-patakaran, at dagdagan ang laang-gugulin para sa pag-unlad.

Si Dai Bing, Pangalawang Kinatawan ng Tsina sa UN (file photo)

 

Aniya, dapat aktuwal na igarantiya ang karapatan sa pag-unlad ng mga umuunlad na bansa, at totohanang isagawa ang mga katugong hakbanging tulad ng pagbabawas sa karalitaan ng mga umuunlad na bansa, pagpapalakas ng seguridad sa pagkain-butil, pagpapabuti sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagdedebelop ng bakuna, pagsusulong sa berde at mababang karbong pag-unlad, pagpapanibago sa estruktura ng kabuhayan, at iba pa.

 

Sinabi ni Dai na nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, para pabilisin ang pagsasakatuparan ng Global Development Initiative; pasulungin ang mas malakas, mas berde, at mas malusog na pag-unlad ng buong daigdig; at itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang pag-unlad ng buong mundo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio