Sa kanyang pakikipag-usap sa Beijing, Pebrero 2, 2023 kay Csaba Korosi, dumadalaw na Presidente ng Ika-77 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN), inihayag ni Ministrong Panlabas Qin Gang ng Tsina na patuloy at lubos na susuportahan ng kanyang bansa ang mga gawain ng pangkalahatang asambleya at Presidente Korosi.
Saad ni Qin, sa kasalukuyan, nahaharap ang buong mundo sa iba’t-ibang hamon, at malaking responsibilidad ang isinasabalikat ng UN.
Aniya, kailangang pag-ibayuhin ng UN ang mahalagang papel nito sa pandaigdigang pamamahala upang mapangalagaan ang kapayapaan at seguridad; mapanatili ang katuwiran at katarungan; ma-igiit ang mga prinsipyong gaya ng pagbibigayan, pagsusulong sa kaunlaran bilang pandaigdigang adiyenda; at paghahatid ng benepisyo sa lahat ng mga mamamayan.
Kasama ng panig Tsino, inaasahan naman ni Korosi na mapapalakas ang multilateralismo, mapapabuti ang pandaigdigang pangangasiwa, maisusulong ang mga mungkahi sa mga diyalogo, sa halip na komprontasyon, at magbuklud-buklod upang harapin ang mga hamong pandaigdig.
Salin: Vera
Pulido: Rhio