Pag-unlad, reporma at pagbubukas sa labas, laging isinusulong ng Tsina

2023-02-10 16:47:00  CMG
Share with:

Sa isang artikulo na ipinalabas kamakailan, tinaya ng International Monetary Fund (IMF) na aabot sa isang-kapat ang ambag ng kabuhayang Tsino sa paglaki ng kabuhayan ng daigdig, at ito ay magandang balita para sa kapuwa Tsina at buong mundo.

 

Kaugnay nito, ipinahayag, Pebrero 9, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita ng nasabing ulat na may kompinyansa ang komunidad ng daigdig sa pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina.

 

Si Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina


Tinukoy niyang palagiang iginigiit ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, at nitong nakaraang taon, nilikha ng panlabas na kalakalan ng Tsina ang bagong rekord.

 

Nananatili aniyang pinakamalaking bansa ng kalakalan ang Tsina sa buong daigdig nitong 6 na taong singkad.

 

Sa mula’t mula pa’y, aktibong lumalahok ang Tsina sa multilateral na kooperasyon, at ang proteksyonismo at paghihiwa-hiwalay ay hindi magtatagumpay, ani Mao.

 

Matatag aniyang pinapasulong ng Tsina ang dekalidad na pagbubukas sa labas, para magkakasamang lumikha, kasama ng buong daigdig, ng mas masaganang kinabukasan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

May Kinalamang Babasahin