Ipinahayag kahapon, Setyembre 19, 2022 ni Meng Wei, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na ayon sa mga pangunahing datos, patuloy ang pagbangon ng kabuhayang Tsino.
Sinabi ni Meng, na sa unang aspekto, patuloy na lumalaki ang halaga ng pamumuhunan. Noong unang walong buwan ng taong ito, ang halaga ng pamumuhunan sa mga fixed asset ay lumaki ng 5.8% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2021. Kabilang dito, ang halaga ng pamumuhunan sa industriya ng manufacturing at imprastruktura ay magkahiwalay na lumaki ng 10% at 8.3%.
Dagdag niya, unti-unting bumabalik din ang konsumo ng mga residente. Noong unang walong buwan ng taong ito, tumaas sa kauna-unahang pagkakataon ang bahagdan ng paglaki ng halaga ng retail sales.
Noong nagdaang Agosto, nanatiling matatag ang presyo ng mga paninda at unemployment rate sa mga lunsod at bayan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac