Media ng mga bansang BRI: magkakasamang pag-unlad at mutuwal na kapakinabangan, isusulong

2023-02-15 16:55:09  CMG
Share with:


 

Pebrero 14, 2023, Beijing – Sa kanyang talumpati sa 2023 Belt and Road Media Community Summit Forum, ipinahayag ni Li Shulei, Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na nitong nakaraang 10 taon, ang “Belt and Road (BR)” ay naging popular na pandaigdigang pampublikong produkto.

 

Aniya, dapat magkaisa ng palagay ang mga media para malalim na ibahagi ang karanasan sa konstruksyon ng modernisasyon at pamamahala ng iba’t-ibang kinau-ukulang bansa sa pamamagitan ng pag-u-ulat at pag-aanalisa, tungo sa pagpapalakas ng pagpapalitan ng iba’t-ibang panig.

 

Samantala, sa talumpati naman ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), Sinabi niyang ang taong 2023 ay ika-10 anibersaryo ng pagkakalahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Belt and Road Initiative (BRI).    .

 

Dapat aniyang manangan ang mga media ng iba’t-ibang kinauukulang bansa sa diwa ng silk road, kung saan, binibigyang-importansya ang magkakasamang pagtalakay, at magkakasamang pagtatag at pagbabahagi.

 

Ang mga ito ay gumaganap bilang tulay, tungo sa aktibong pagpapasulong ng pagtatayo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan, dagdag niya.

 

Ipinahayag naman ng mga kalahok na media, na napakahalaga ng pagpapalawak ng pandaigdigang kooperasyon sa pagitan ng mga media sa pagkakamit ng mutuwal na kapakinabangan.

 

Magkakasama anila silang magsisikap para pabutihin ang pag-uunawaan sa pagitan ng iba’t-ibang bansa at lahi, at ilahad ang magandang hangarin ng may harmonyang pag-unlad ng buong sangkatauhan.

 

Sa ilalim ng temang “Magkapit-bisig para sa Mutuwal na Pag-unlad, Magkasamang Magpunyagi para sa Komong Kasaganaan,” ang porum ay itinaguyod ng CMG.

 

Sa kapuwa online at offline na paraan, lumahok dito ang mahigit 120 kinatawan ng 54 na media mula sa 33 bansa’t rehiyon.

 

Pagkaraan ng 7 taong pag-unlad, mayroon na ngayong 143 partner na organo sa 63 bansa’t rehiyon ang Silk Road Media Community.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio