FM ng Tsina, bibisita sa Indonesya

2023-02-20 16:43:13  CMG
Share with:

Inaunsyon ngayong araw, Pebrero 20, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas, na sa paanyaya ni Retno Marsudi, Ministro sa mga Suliraning Panlabas ng Indonesya, bibisita sa Indonesya mula Pebrero 21 hanggang Pebrero 23, 2023, si Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina.

 

Mangungulo din si Qin ng ika-4 na pulong ng Joint Commission on Bilateral Cooperation (JCBC) sa pagitan ng Tsina at Indonesya, at bibisita siya sa Sekretaryat ng Samahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (ASEAN), ani Wang.



Salin:Sarah

Pulido:Ramil