Karagdagang tulong na militar, ipagkakaloob ng Amerika sa Ukraine

2023-02-21 17:28:37  CMG
Share with:

Sa kanyang mabiglang pagbisita Pebrero 20, 2023, sa Kyiv, Ukraine, nakipag-usap si Pangulong Joe Biden ng Amerika kay Volodymyr Zelenskyy, Pangulo ng Ukraine.

 


Ipinalabas ni Biden na ipagkakaloob ng Amerika ang bagong aid package na nagkakahalaga ng 500 milyong USD para sa Ukraine.

 

Ayon sa ulat ng media ng the White House, ipapalabas sa darating na ilang araw ang mas maraming detalye ng aid package.

 

Sa magkasanib na preskon pagkatapos ng pag-uusap, sinabi ni Volodymyr Zelenskyy na dapat iwakas ang alitan ng Rusya at Ukraine sa pasubali ng ganap na pagpapanumbalik ng teritoryo ng Ukraine at paglalagda ng dokumento ng paggarantiya ng seguridad ng kanyang bansa.

 

Ayon pa sa Associated Press (AP), lumampas na ng 50 bilyong USD ang tulong na militar ng Amerika sa Ukraine.

 

Samantala, ayon sa imbestigasyon kamakailan, di sumusuporta ang parami nang paraming mamamayang Amerikano sa pagkakaloob ng sandata at ibang tulong sa Ukraine.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil