Pangulong Tsino, bumati ng pagtatag ng Sentro ng Sinaunang Sibilisasyon ng Tsina at Gresya

2023-02-21 17:25:15  CMG
Share with:


An exhibit of sea-related Greek art, in celebration of the China-Greece Year of Culture and Tourism at Shanghai Museum, Shanghai, China, July 19, 2022.

 

Sa kanyang liham kamakailan kay Stelios Virvidakis, Propesor ng Unibersidad ng Atenas, at ibang mga dalubhasa ng Gresya, binati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagtatayo ng Sentro ng Sinaunang Sibilisasyon ng Tsina at Gresya.

 

Tinukoy ni Xi na ang pagtatag ng naturang sentro ay makakabuti sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pag-aaral sa isa’t isa ng sibilisasyon ng Tsina at Gresya, at pagpapaunlad ng sibilisasyon ng dalawang bansa. Mayroong itong napakahalagang katuturang historikal at kontemporaryo, ani Xi.

 

Sa sibilisasyon ng Tsina at Gresya, mayroong malalim at masaganang sense of worth, daigdig, universe, buhay, siyensiya, kultura at iba pa. At tiyak nilang ipagkakaloob ang patnubay para sa paglutas ng mga problema ng sangkatauhan, at pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan, saad ni Xi.

 

Idinaos Pebrero 20, 2023, sa Atenas, Gresya, ang seremoniya ng pagtatatag ng Sentro ng Sinaunang Sibilisasyon ng Tsina at Gresya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil