Indonesian President Joko Widodo(R) meets with visiting Chinese Foreign Minister Qin Gang in Jakarta, Indonesia, February 22, 2023. /MOFA
Nagtagpo Pebrero 22, 2023, sa Jakarta, sina Pangulong Joko Widodo ng Indonesya at Qin Gang, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sinabi ni Joko Widodo na nitong ilang taong nakalipas, mabunga ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Indonesya. Mabilis na lumaki ang halaga ng bilateral na kalakalan at pamumuhunan, at ang Tsina ay naging ikalawang pinakamalaking pinagmumulan ng puhunang dayuhan ng Indonesya.
Aniya, dapat pabilisin ng dalawang panig ang mga mahalagang proyektong kinabibilangan ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway, North Kalimantan Industrial Park, konstruksyon ng bagong kabisera ng bansa, at iba pa, palawakin ang kooperasyon sa industrial chain, bagong enerhiya at iba pa.
Ipinahayag naman ni Qin na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya, para sa magkasamang pag-unlad sa landas ng modernisasyon.
Nakahanda ang Tsina na iaangkat ang mas maraming bulk commodities mula sa Indonesya at dekalidad na produksyon ng agrikultura at pangingisda, at enkorahehin ang mga kompanyang Tsino na lalahok sa mga mahalagang proyekto ng konstruksyon ng imprastraktura ng Indonesiya.
Buong lakas na sinusuportahan ng Tsina ang Indonesya na gaganapin ang papel bilang rotating chair ng Samahan ng mga bansang Timog-Asyano (ASEAN), para pasulungin ang konstruksyon ng komunidad ng ASEAN at kooperasyon ng Silangang Asya na matamo ang mas malaking bunga, saad ni Qin.
Sa panahon ng pagdalaw sa Indonesya, magkasamang nangulo sina Qin Gang at kanyang counterpart ng Indonesiya na si Retno Marsudi sa Ika-4 Pulong ng Joint Commission on Bilateral Cooperation (JCBC) sa pagitan ng Tsina at Indonesya.
Sa magkakahiwalay na okasyon, nakipagtagpo din si Qin kina Luhut Binsar Pandjaitan, Coordinator ng Indonesya para sa kooperasyon ng Tsina at Indonesya at Ministro ng Koordinasyon sa mga Suliraning Pandagat ng Indonesiya, at Kao Kim Hourn, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil