Isang group study session ang ginanap Pebrero 22, 2023 ng Pulitburo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa pagpapalakas ng pundamental na pananaliksik.
Sa kanyang pangungulo sa sesyon, hinimok ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kahilim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa na palakasin ang pundamental na pananaliksik para mapatibay ang pag-asa sa sarili at kakayahan sa agham at teknolohiya.
Saad ni Xi, ang pagpapalakas ng pundamental na pananaliksik ay pangkagipitang pangangailangan upang isakatuparan ang mas malakas na pag-asa sa sarili at kakayahan sa agham at teknolohiya.
Ito rin ang siyang tanging paraan para maging namumunong bansa sa daigdig sa larangan ng agham at teknolohiya, dagdag niya.
Isang positibong signal ang ipinadala sa nasabing sesyon: palalakasin ng Tsina ang garantiya sa sistema, laang-gugulin at pagsasanay ng mga talento sa larangan ng pundamental na pananaliksik.
Diin ni Xi, buong sikap na pahihigpitin ng Tsina ang pagbubukas, pagtitiwalaan at pagtutulungan sa pandaigdigang sirkulo ng agham at teknolohiya, at gagawin ang mas malaking bagong ambag sa progreso ng sibilisasyon ng sangkatauhan, sa pamamagitan ng mas maraming inobasyon at breakthrough sa masususi at nukleong teknolohiya.
Dagdag niya, bubuuin ng bansa ang pandaigdigang plataporma ng kooperasyon sa pundamental na pananaliksik, itatayo ang pondo ng pananaliksik na pansiyensiya’t panteknolohiya na bukas sa buong mundo, at palawakin ang magkasanib na pananaliksik sa loob at labas ng bansa, sa mga isyung pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima, seguridad ng enerhiya, biosafety, paggamit ng outer space at iba pa.
Salin: Vera
Puldio: Ramil