Hinimok ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kahilim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa na palakasin ang pundamental na pananaliksik para mapatibay ang pag-asa sa sarili at kakayahan sa agham at teknolohiya.
Winika ito ni Xi habang nangungulo siya sa ika-3 group study session ng Pulitburo ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC nitong Martes, Pebrero 21, 2023.
Saad ni Xi, ang pagpapalakas ng pundamental na pananaliksik ay pangkagipitang pangangailangan upang isakatuparan ang mas malakas na pag-asa sa sarili at kakayahan sa agham at teknolohiya.
Ito rin ang siyang tanging paraan para maging namumunong bansa sa daigdig sa larangan ng agham at teknolohiya, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Ramil