Isang konsultatibong pulong ang idinaos Pebrero 28, 2023, ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para pakinggan ang mga opinyon, at ipaalam sa mga hindi kaanib ng CPC, miyembro ng All-China Federation of Industry and Commerce (ACFIC), at iba pang personaheng walang politikal na kina-aaniban ang plano ng reporma sa Partido at institusyong ari ng estado.
Bukod sa nasabing plano, ipinaalam din sa mga kalahok ang listahan ng mga rekomendadong kandidato para sa mga namumunong posisyon ng mga institusyong ari ng estado na imumungkahi sa unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresyong Bayan (NPC), at listahan ng mga rekomendadong kandidato para sa pamunuan ng Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), na imumungkahi rin sa unang sesyon ng Pambansang Komite ng CPPCC.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na ang mga isasagawang reporma ay makakapokus sa pagresolba ng mahihirap na suliraning may-kinalaman sa usaping pampubliko.
Ang mga ito ay inaasahang magkakaroon ng malaking epekto sa ekonomiya at pag-unlad ng lipunan, dagdag niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio