Bubuksan, Marso 5, 2023 sa Beijing ang unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina.
Samantala, bubuksan, Marso 6 ang unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), pambansang organo ng tagapayong pulitikal ng bansa.
Ang mga mamamahayag na Tsino’t dayuhan ang inaanyayahang ikober ang nasabing dalawang taunang sesyon, ayon sa isang opisyal na pahayag Huwebes.
Isasagawa ang pagkokober ng dalawang sesyon, sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na kinabibilangan ng on-site reporting, online video links, at nakasulat na panayam.
Maaaring malaman ang mas maraming detalyadong impormasyon kaugnay ng dalawang sesyon, sa mga website na www.npc.gov.cn at www.cppcc.gov.cn.
Salin: Vera
Pulido: Ramil