Tsina at Nigeria, magkasamang magsisikap tungo sa pag-unlad

2023-03-05 10:53:28  CMG
Share with:

 

Sa kanyang mensahe, Marso 4, 2023, bilang pagbati kay Bola Tinubu sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng Federal Republic of Nigeria, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Nigeria ay napakahalagang estratehikong partner ng Tsina sa Aprika.

 

Nitong ilang taong nakalipas, naging mainam aniya ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at mabunga ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng ugnayan sa Nigeria, ani Xi.

 

Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Pangulong Bola Tinubu, para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio