Marso 5, 2023, Great Hall of the People, Beijing – Sa ulat pampamahalaan ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa pagbubukas ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC), sinabi niyang naging matatag ang kabuhayang Tsino noong 2022.
Lumakas din aniya ang kalidad ng pag-unlad ng bansa, at napapanatiling nasa magandang kondisyon ang lipunan.
Natamo ng Tsina ang bagong bunga ng pag-unlad, dagdag niya.
Sinabi ni Li na noong 2022, lumaki ng 3% ang halaga ng Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina, umabot sa 12.06 milyon ang bagong trabaho sa mga lunsod, at tumaas ng 2% ang Consumer Price Index (CPI).
Sa gitna aniya ng masalimuot na kalagayan, nakamtan pa rin, sa kabuuan ng Tsina ang mga pangunahing target ng pag-unlad sa 2022.
Ito ay nagpapakita ng malakas na pleksibilidad ng kabuhayang Tsino, saad pa niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio