Sa pres-konperensya na idinaos Marso 7, 2023, dito sa Beijing, sa sidelines ng unang sesyon ng Ika-14 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinahayag ni Qin Gang, Ministrong Panlabas ng Tsina, na ipinagkakaloob ng modernisasyong Tsino ang kalutasan para sa maraming hamon na kinakaharap ng pag-unlad ng sangkatauhan.
Ang pagtatayo ng modernisasyon ng isang bansa na mayroong mahigit 1.4 bilyong populasyon ay dakilang gawain na wala dati sa kasaysayan ng buong sangkatauhan, at mayroong itong sariling malalim at mahalagang katuturang pandaigdig, saad ni Qin.
Sinabi niya na: “Binago nito ang mito na ang modernisasyon ay kanluraninsasyon. Lumikha ito ng bagong porma ng pag-unlad ng sangkatauhan, at ipinagkaloob nito ang mahalagang pinagmumulan ng inspirasyon para sa buong mundo, partikular na, para sa mga umuunlad na bansa.”
At saka, hindi isasakatuparan ang modernisasyong Tsino sa pamamagitan ng digmaan, kolonisasyon, o pandarambong. Nagpopokus ito ng kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon, at mutuwal na kapakinabangan. Ipinangako din nito ang harmoniya sa pagitan ng sangkatauhan at kalikasan, saad ni Qin.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil