Kaugnay ng isyu ng kooperasyon ng Amerika, Britanya at Australia sa nuclear submarines, sinabi Marso 9, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maraming beses na ipinahayag ng Tsina ang solemnang paninindigan hinggil dito. Ipinalalagay aniya ng Tsina na ang kooperasyon ng naturang tatlong panig ay nagbuo ng grabeng panganib ng paglaganap nuklear, sumisira sa international non-proliferation system at nagpalala ng arm race, sumisira rin sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko, at tinututulan ito ng mga bansa sa rehiyong ito at komunidad ng daigdig.
Dagdag ni Mao, hinihimok ng Tsina ang Amerika, Britanya, at Australia na itigil ang ideya ng Cold War at zero-sum games, matapat na isakatuparan ang obligasyong pandaigdig nila, at gawin ang mas mabuting bagay na makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil