Pagkubkob at paninikil, di-makakabuti sa sinuman – premyer Tsino

2023-03-13 16:07:24  CMG
Share with:

Sa preskon Lunes, Marso 13, 2023 matapos ipinid ang unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ipinagdiinan ni bagong Premyer Li Qiang ng Tsina na maningning ang kinabukasan ng kooperasyong Sino-Amerikano, at ang pag-unlad nito ay pakikinabangan ng magkabilang panig.

 

Dagdag niya, hindi makakabuti sa sinuman ang pagkubkob at paninikil.

 

Ang pinakamahalaga ngayon ay pagkakaroon ng aktuwal na polisiya at konkretong aksyon batay sa serye ng mahahalagang komong palagay na narating ng mga pangulo ng dalawang bansa sa kanilang pagtatagpo noong nagdaang Nobyembre, saad niya.

 


Tungkol naman sa patakaran ng Tsina sa pagbubukas sa labas, tinukoy ni Li na ang pagbubukas sa labas ay pundamental na patakaran ng bansa, at buong tatag itong isusulong ng Tsina, kahit anuman ang mangyaring pagbabago sa kalagayang panlabas.

 

Sa kasalukuyang taon, ibayo pa aniyang palalawakin ng Tsina ang pagbubukas, batay sa mga pandaigdigang alituntuning pangkabuhaya’t pangkalakalan sa mataas na pamantayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio