Sa preskon makaraang ipinid ang unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina Lunes, Marso 13, 2023, sinabi ni bagong Premyer Li Qiang ng Tsina na lipos siya ng kompiyansa sa prospek ng kabuhayang Tsino.
Sa kabilang dako, sinabi niyang di-optimistiko sa kasalukuyan ang pangkalahatang kalagayan ng kabuhayang pandaigdig, at nangingibabaw ang maraming di-matatag, di-tiyak, at di-inaasahang elemento, kaya nagiging pagsubok sa iba’t-ibang bansa ang pagpapatatag at pagpapalago ng kani-kanilang mga kabuhayan.
Aniya, humigit-kumulang 5% ang inaasahang target ng paglago ng kabuhayang Tsino sa kasalukuyang taon, at ito ay tiniyak makaraang komprehensibong isaalang-alang ang mga elemento sa iba’t-ibang aspekto.
Upang maisakatuparan ang nasabing target, dapat ibayo pang pabutihin ang mga gawain sa aspekto ng makro-polisiya; palawakin ang pangangailangan, reporma’t inobasyon; pigilin at resolbahin ang mga panganib’t walang humpay na pasanin; at isaayos at i-optimisa ang lahat ng nasabing mga gawain, batay sa praktika, dagdag ni Li.
Salin: Vera
Pulido: Rhio