Pag-isyu ng visa sa mga dayuhang papasok sa Tsina, pinanumbalik

2023-03-14 15:55:40  CMG
Share with:


 


Inanunsyo, Marso 14, 2023 ng Departamento ng mga Usaping Pangkonsulado ng Minsitring Panlabas ng Tsina, na mula Marso 15, (Beijing Time), isasa-ayos ang mga suliranin hinggil sa pag-iisyu ng visa sa mga dayuhang nais pumasok sa Tsina at patakaran ng pagpapasok ng mga dayuhan sa bansa.

 

Ang nasabing anunsyo ay may apat na bahagi na kinabibilangan ng:

 

Una, para sa mga visa na ini-isyu bago Marso 28, 2020, at hindi pa ito paso, maaari na muli itong gamitin sa pagpapasok sa Tsina.

 

Pangalawa, puwede na muling magsuri at mag-isyu ng visa ang mga organong nasa iba’t-ibang bansa.

 

Pangatlo, maaari na muling magsuri at mag-isyu ng mga port visa para sa mga may istatyutoryong rason.

 

Pang-apat, papanumbalikin ang patakaran ng libreng visa para sa mga bibisita sa lalawigang Hainan, mga sasakay ng cruise ship patungong Shanghai, mga grupong panturista na mula sa Hong Kong at Macao na bibisita sa lalawigang Guangdong, mga grupong panturista ng ASEAN na bibisita sa lunsod Guilin ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio