Ipinahayag, Marso 13, 2023, ni Nasser Kanaani, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Iran, na ang Tsina ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Iran at Saudi Arabia, at ito’y nakakatulong sa pagsasakatuparan ng kapayapaan, katatagan at kaligtasan sa rehiyong Gitnang Silangan.
Sinabi ni Kanaani na ipinagkaloob ng Tsina ang plataporma para sa matagumpay na pagdaraos ng diyalogo ng Iran at Saudi Arabia, at pagsang-ayon sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Pinupuri ng Iran ang papel na ginanap ng Tsina, aniya.
Dagdag niya pa, ang kooperasyon ng Iran at Saudi Arabia ay hindi lamang angkop sa kapakanan ng dalawang bansa, kundi magdudulot din ito ng benepisyo sa magkakasamang pag-unlad ng Gitnang Silangan, at magbubunsod ng positibong katuturan para sa daigdig.
Sa suporta ng Tsina, nag-diyalogo mula Marso 6, 2023, hanggang Marso 10 ang nasabing mga bansa.
Isang magkasanib na pahayag hinggil sa pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Iran at Saudi Arabia ang nilagdaan ng tatlong panig, Marso 10, 2023.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio