Outbound group tours sa mas maraming bansa, panunumbalikin ng Tsina

2023-03-15 16:21:04  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 14, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Marso 15, 2023, lalo pang panunumbalikin ang outbound group tours sa mas maraming bansa upang makalikha ng mas mabuting kondisyon para sa paglalakbay sa labas ng bansa.

 


Ayon kay Wang, nitong ilang araw na nakalipas, isinagawa ng panig Tsino ang pagsubok ng pagpapanumbalik ng outbound group tours sa ilang bansa, at mainam ang naging bunga.

 

Ani Wang, ginawa ng Tsina ang kapasiyahang ito dahil nagiging matatag ang kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at tumataas ang pangangailangan ng paglalakbay ng mga mamamayan, at inaasahan ng maraming bansa ang pagbisita ng turistang Tsino.  

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil