An aerial photo shows farmers mulching a crop field in Xintian County of Yongzhou, central China's Hunan Province, February 18, 2023. /Xinhua
Sa kanyang artikulong inilathala ngayong araw, Marso 16, 2023, sa ika-6 na isyu ng Qiushi Journal, pangunahing magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sinabi ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na kailangang magsikap ang lahat upang mapasulong ang modernisasyon ng agrikultura at kanayunan tungo sa pagtatayo ng isang malakas na bansa sa agrikultura.
Dapat aniyang magpokus ang Tsina sa pandaigdigang prontera ng agrikultural na siyensiya’t teknolohiya, malakas na isulong ang agrikultural na siyensiya’t teknolohiya, at pabilisin ang pagkakaroon ng mataas na antas na self-reliance at lakas ng agrikultural na siyensiya’t teknolohiya ng bansa.
Ipinagdiin din ni Xi ang kahalagahan ng modernisasyon ng kanayunan.
Aniya, ang modernisasyon ng kanayunan at agrikultura ay dapat magkasabay na isulong dahil ang modernisasyon ng kanayunan ay paunang kondisyon ng pagtatayo ng malakas na Tsina sa larangan ng agrikultura.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio