Buong tatag na mapangalagaan ang soberaniya at kabuuan ng teritoryo ng bansa - PLA

2023-03-17 16:32:43  CMG
Share with:

Ipinahayag, Marso 16, 2023 ni Tan Kefei, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na sa kasalukuyan, laging mahigpit ang kalagayan sa Taiwan Strait, dahil sa probokatibong aksyon ng autoridad ng Democratic Progressive Party na makipagsabwatan sa ilang puwersang panlabas, at matigas ang ulo na paninindigan nila na tumayo sa kabaligtaran ng pundamental na kapakanan ng Nasyong Tsino.

 


Ani Tan, ang isyu ng Taiwan ay pinakamahalagang bahagi ng mga nukleong kapakanan ng Tsina. Buong tatag aniyang mapangalagaan ng People’s Liberation Army (PLA) ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa, at hindi maaaring iwasan ang anumang espasyo para sa mga anumang porma na separatistang aktibidad ng “pagsasarili ng Taiwan”.

 

Binigyan-diin niyang ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, ito rin unang pulang linya na hindi maaaring i-cross sa relasyong Sino-Amerikano. Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang opisyal na pagpapalitan at militar na pagsabwastan ng Amerika at Taiwan. Hinimok ng Tsina ang Amerika na itakwil ang tangka nito na sugpuin ang Tsina sa pamamagitan ng paggamit ng Taiwan, itigil ang nitong “salami tactics” at ibang aksyon sa isyu ng Taiwan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil