Sa sidelines ng unang sesyon ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi Martes, Marso 7, 2023 sa Beijing ni Ministrong Panlabas Qin Gang ng Tsina na paano reresolbahin ang isyu ng Taiwan ay suliranin ng mga mamamayang Tsino, at walang karapatang makialam dito ang anumang bansang banyaga.
Buong sikap na isasakatuparan ng bansa ang mapayapang reunipikasyon, sa pamamagitan ng pinakamalaking katapatan, samantalang pananatilihin ang pagpili ng lahat ng kinakailangang hakbangin para rito, dagdag ni Qin.
Diin niya, ang isyu ng Taiwan ay pinakapusod ng nukleong interes ng Tsina, bedrock ng pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano, at unang redline na hindi dapat lampasin sa relasyong Sino-Amerikano.
May di-matatalikdang responsibilidad ang Amerika sa paghantong ng isyu ng Taiwan.
Hinimok ni Qin ang panig Amerikano na itigil ang paninikil sa Tsina, gamit ang isyu ng Taiwan, at bumalik sa pundamental na kahulugan ng prinsipyong isang Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Ramil