Mensaheng pambati, inilahad ni Xi Jinping sa CDF 2023

2023-03-27 16:34:54  CMG
Share with:




Sa kanyang mensaheng pambati, Marso 26, 2023, sa China Development Forum (CDF) 2023, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na naging mabilis sa kasalukuyan ang pagbabago sa buong daigdig, at ito’y isang pagbabagong hindi pa nakikita mula noong nakaraang siglo.

 

Aniya, ang pagbabagong ito ay tumutukoy sa madalas na alitan at kaguluhan sa ilang rehiyon at kakulangan sa puwersang tagapagpasulong ng pagbangon sa kabuhayang pandaigdig.

 

Kaya naman kailangan aniya ang komong palagay at kooperasyon.

 

Kaugnay nito, suportado at aktibong isinusulong ng komunidad ng daigdig ang Global Development Initiative na inilahad ng Tsina, saad niya.

 

Iginigiit aniya ng Tsina ang pundamental na patakaran ng pagbubukas sa labas, buong tatag na kumakatig sa estratehiya ng pagbubukas na may mutuwal na kapakinabangan, at walang humpay na ipinagkakaloob sa daigdig ang pagkakataon ng pag-unlad sa pamamagitan ng sariling pagsulong.

 

Sa ilalim ng temang “Pagbangon ng Kabuhayan: Pagkakataon at Kooperasyon,” binuksan nang araw rin iyon sa Beijing ang CDF 2023.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio