Xi Jinping, ibinahagi ang bagong ideya sa modernisasyon

2023-03-17 17:36:49  CMG
Share with:

 

Sa Pulong sa Mataas na Antas ng Diyalogo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga Partido Pulitikal ng Daigdig, na idinaos Marso 15, 2023, sa pamamagitan ng video link, inilahad ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, ang bagong ideya sa modernisasyon.

 

Ibinahagi niya ang limang puntong paninindigan.

 

Una, ang mga tao ay sentro ng modernisasyon. Ibig sabihin, dapat maglingkod sa mga tao ang modernisasyon, at ang saligang layunin ng modernisasyon ay magkaroon ng mabuting pamumuhay ang mga tao.

 

Ikalawa, iba’t iba ang mga landas tungo sa modernisasyon, at may karapatan ang mga mamamayan ng isang bansa na pumili ng sariling landas.

 

Ikatlo, tuluy-tuloy ang proseso ng modernisasyon, at kailangang harapin ang mga bagong litaw na isyu, kondisyon, at hamon sa prosesong ito.

 

Ikaapat, dapat ibahagi sa buong sangkatauhan ang mga bunga ng modernisasyon, at ang mga bansang nanguna sa modernisasyon ay dapat tumulong sa ibang bansang atrasado sa usaping ito.

 

At ikalima, hindi madaling maisasakatuparan ang modernisasyon, kaya kailangang buuin ang matatag na determinasyon at pahigpitin ang pamumuno sa mga gawain, para tiyakin ang pagsasakatuparan nito.


Editor: Liu Kai