Kampanya ng edukasyon sa buong partido hinggil sa kaisipan ni Xi Jinping, inilunsad ng CPC

2023-03-31 15:16:47  CMG
Share with:

Ipinasiya ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na simula Abril, ilulunsad ang isang kampanya ng thematic education sa buong partido, para matutuhan at ipatupad ang Kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Makabagong Panahon.

 

Ang desisyong ito ay ginawa sa isang pulong ng naturang pulitburo Huwebes, Marso 30, 2023.

 

Sinuri rin sa pulong ang mga regulasyon sa pagbibigay-alam ng mga opisyal ng impormasyong personal.

 

Nangulo sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil