Multimedia campaign “Paglalakbay na kultural ng Tsina at Espanya,” simula na

2023-03-31 17:15:01  CMG
Share with:

Opisyal na sinimulan Marso 30, 2023, ang “Paglalakbay na kultural ng Tsina at Espanya,” multimedia campaign na nagpokus ng ika-50 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Espanya na magkasamang itinataguyod ng China Media Group (CMG) at Ministri ng Kultura at Isport ng Espanya.

Official launch of the multimedia campaign "Cultural Journey through China and Spain" kicks off in Beijing, China, March 30, 2023.

 

Sa kanyang talumpati via video sa seremoniya ng pagsisimula, ipinahayag ni Shen Haixiong, Pangulo ng CMG, na sa kampanyang ito, komprehensibong babalik-tanawin sa pamamagitan ng mga dokumentaryo ang kasaysayan ng pagpapalagayan ng Tsina at Espanya; isasagawa sa pamamagitan ng maunlad na teknolohiya ng media ang virtual exhibition ng mga gawa ng arte ng Tsina at Espanya; ipapakita sa mga tagapanood sa loob at labas ng Tsina ang alindog ng dalawang bansa at bunga ng pagpapalitan nila sa paraan ng mga new media forum at livestreaming; at ipapalabas ang kooperasyon ng mga pagkaibigang lunsod ng Tsina at Espanya sa paraan ng pag-uulat, para magkakasamang simulain ang bagong yugto ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Espanya.

 

Shen Haixiong, President and General Editor of China Media Group, delivers a speech


Tatatagal nang buong taon ng 2023 ang multimedia campaign. Ipapalabas ng China Global Television Network (CGTN) ng CMG ang mga multimedia productions at porum na kapuwang online at offline kaugnay nito.

 

  A screenshot of the promotional video of the documentary "From Beijing to Madrid."


Salin:Sarah

Pulido:Ramil