Pestibal ng Dokumentaryo ng Tsina - "Belt and Road" International Screening, pormal na inilunsad

2023-02-20 16:03:00  CMG
Share with:

Ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagsumite ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng Belt and Road Initiative (BRI).

 


Sa okasyong ito, pormal na inilunsad Lunes, Pebrero 20, 2023 ang Pestibal ng Dokumentaryo ng Tsina - "Belt and Road" International Screening, sa pamamagitan ng online platform.

 


Sa kanyang talumpati, inihayag ni Ministrong Panlabas Qin Gang ng Tsina na nitong nakalipas na 10 taon, 151 bansa at 32 organisasyong pandaigdig ang sumali sa BRI.

 

Kasama ng iba’t ibang panig, umaasa aniya ang panig Tsino na ibayo pang pahihigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungang tao-sa-tao.

 


Sa kanya namang talumpati, isinalaysay ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG), na sa panahon ng nasabing aktibidad, itatanghal sa mga manunuod sa buong mundo ang mahigit 60 dokumentaryo at pelikula hinggil sa BRI, gamit ang limang lengguwahe na kinabibilangan ng Ingles, Espanyo, Pranses, Arabic at Ruso.

 


Ang naturang pestibal ay magkakasamang itinataguyod ng CMG, Ministring Panlabas at Ministri ng Kultura at Turismo ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil