Ipinagdiinan Huwebes, Marso 30, 2023 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat pag-ibayuhin ang pag-aaral at pagpapatupad ng Kaisipan sa Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Makabagong Panahon.
Winika ito ni Xi habang nangungulo siya sa isang group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.
Tinukoy niyang ang nilalaman ng Kaisipan sa Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Makabagong Panahon ay isang kompletong sistema ng agham na may kinalaman sa iba’t-ibang aspektong gaya ng reporma, kaunlaran, katatagan, mga suliraning panloob, diplomatiko at pandepensa, pangangasiwa sa partido’t mga hukbo at iba pa.
Layon ng pag-aaral ng kaisipang ito ay upang gawing kasangkapan ito sa pagbabago sa subdiyektibo’t obdyektibong daigdig, dagdag ni Xi.
Salin: Vera
Pulido: Ramil