5.5%, tinatayang paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2023 ——AMRO

2023-04-06 16:06:30  CMG
Share with:

Ayon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN+3) Regional Economic Outlook 2023 na inilabas Abril 6, 2023, ng ASEAN+3 Macroeconomic Research Office (AMRO), lalaki ng 4.6% ang kabuhayan ng rehiyon ng ASEAN+3 ngayong 2023, at lalaki rin ng 5.5% ang kabuhayan ng Tsina. 



Ang ASEAN+3 ay tumutukoy sa ASEAN kasama ang tatlong bansang kinabibilangan ng Tsina, Hapon at Timog Korea.


Ayon pa sa naturang pagtaya, kasabay ng pagbagal ng paglaki ng kabuhayan ng Amerika at Eurozone (EZ), magiging mabagal din ang paglaki ng kabuhayan ng buong mundo. 


Samantala, sinabi nitong napahupa ang presyur sa international supply chain noong huling hati ng 2022, at posibleng bubuti ang larangang ito sa 2023. 


Tinukoy ng outlook na ang pangunahing dahilan ng paglaki ng kabuhayan ng ASEAN+3 ay pagtaas ng pagtaya sa pagbangon ng kabuhayan. 


Bukod dito, sinabi ng AMRO na ang unang tatlong bansa ng ASEAN na may pinakamabilis lumaking kabuhayan ay Biyetnam, Pilipinas at Kambodya, na may magkakahiwalay na 6.8%, 6.2% at 5.9% na paglaki. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio