4.8%, paglaki ng kabuhayan ng mga umuunlad na ekonomiya sa Asya sa 2023 at 2024 - tinaya ng ADB

2023-04-04 17:23:45  CMG
Share with:

Sa isang outlook na ipinalabas ngayong araw, Abril 4, 2023, tinaya ng Asian Development Bank (ADB) na aabot sa 4.8% ang karaniwang paglaki ng kabuhayan ng mga umuunlad na ekonomiya ng Asya sa taong 2023 at 2024, na lumaki nang malaki kumpara sa 4.2% noong isang taon.

 


Ipinahayag ng ADB na ang Tsina at Indiya ay may pag-asang magiging pangunahing puwersa na makakatulong sa paglaki ng panrehiyong kabuhayan.

 

Ayon sa pagtaya, 5.0% ang paglaki ng kabuhayang Tsino sa 2023, at 4.5% nito sa 2024.

 

Samantala, 4.7% ang paglaki ng kabuhayan sa buong rehiyong Timog Silangang Asya sa 2023, at 5.0% nito sa 2024. Kabilang dito, 6.0% ang paglaki ng kabuhayan ng Pilipinas sa taong 2023, at aabot ito sa 6.2% sa taong 2024, ayon sa pagtaya ng ADB.

 

Bukod dito, ipinahayag ng ADB na ang pangunahing dahilan ng malakas na pagbangon ng kabuhayan ng taong ito at taong 2024 ay pagpapanumbalik ng industriyang panturismo sa ilang rehiyon, malakas na pangangailangan ng mga remittance at pagpapadala ng pera, at lalo pang pasusulungin ng pagbubukas ng Tsina ang pag-unlad ng industriyang panturismo at kalakalan.

 

Pero, sinabi din ng ADB na kinakaharap pa rin ng pag-unlad ng kabuhayang panrehiyon ang mga hamon.

 

Ang krisis ng Ukraine ay nagdudulot ng implasyon ng buong mundo, at posibleng magdulot ng paghihigpit ng pera.

 

May posibilidad na tataas ang panganib ng utang at rate sa ilang bangko sa Amerika at Europa, na magiging banta ito sa katatagan ng pinansya ng rehiyong Asya-Pasipiko, sinabi ng ADB.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil