Biyahe ni Ma Ying-jeou sa mainland, nakatulong sa relasyong cross-Straits: opisyal

2023-04-07 16:58:27  CMG
Share with:

Sa event na idinaos sa Shanghai para sa paghahatid kay Ma Ying-jeou at kanyang mga kasama, ipinahayag ni Song Tao, puno ng Taiwan Work Office ng Komite Sentral ng Partidong Komunista ng Tsina (CPC) at Tanggapan sa mga Suliranin ng Taiwan ng Konseho ng Estado ng Tsina, na ang biyahe ni Ma Ying-jeou ay mayroong positibong katuturan para pabutihin ang pagpapalitan ng mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, at pasulungin ang mapayapang pag-unlad ng cross-Straits relations.

 

Umaasa si Song na madalas na magpapalitan ang mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, at lilikhain ng mainland ang kondisyon at kaginhawaan para rito.

 

Tinukoy ni Song na dapat igiit ang prinsipyong isang Tsina at 1992 Consensus, at zero-tolerance sa separatistang aksyon ng “pagsasarili ng Taiwan.” Tiyak aniyang mabigo ang paghahanap ng “pagsasarili ng Taiwan” sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga puwersang panlabas.

 

Aniya, dapat magkasamang magsikap ang mga mamamayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, para magkakasamang likhain ang benepisyo para sa nasyong Tsino, at ibahagi ang karangalan ng dakilang pagbangon ng nasyong Tsino.

 

Samantala, ipinahayag ni Ma Ying-jeou na ang mga mamamayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits ay kabilang sa nasyong Tsino, at dapat magkakasamang pasulungin ang kapayapaan at kasaganaan ng Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil