Sa panahon ng kanyang biyahe sa Chinese mainland, hinangaan ni Ma Ying-jeou, dating lider ng Taiwan, ang mga nakamtang pag-unlad.
Aniya, napakabilis umuunlad ang mainland sa iba’t-ibang aspekto, at ang ilan ay hindi niya inakala.
Ipinanawagan niya ang mas maraming kooperasyon sa pagitan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.
Nitong nakalipas na ilang araw, pinamunuan ni Ma ang pagbisita sa Chinese mainland ng delegasyon ng mga kabataan ng Taiwan.
Nagtungo sila sa mga lugar na kinabibilangan ng Nanjing, Wuhan, Changsha at Chongqing.
Matatapos Biyernes ang biyahe ni Ma.
Salin: Vera
Pulido: Rhio