Tsina at UN, patuloy na palalalimin ang kooperasyon

2023-04-12 16:13:53  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing, Abril 11, 2023, kay United Nations (UN) Under-Secretary-General for Political and Peacebuilding Affairs Rosemary A. DiCarlo, tinukoy ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa patnubay ng ideya ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan na inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ganap na nakikisangkot ang Tsina sa mga gawain ng UN, matatag na isinasakatuparan ang pandaigdigang obligasyon, aktibong pinapasulong ang pagkakaisa at kooperasyon, ipinagkakaloob ang pampublikong produkto para sa buong daigdig.

 


Aniya, buong tatag na susuportahan ng Tsina ang UN na gagampanan ang konstruktibong papel sa mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda ang Tsina na magiging mapagkakatiwalaang partner ng UN sa pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig, pagpapasulong ng komong pag-unlad at iba pang larangan, diin pa niya.

 

Samantala, sinabi ni DiCarlo na umaasa ang UN na walang humpay na palalalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina para magkakasamang ilahad ang mas maraming kaso para sa paglutas ng mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil