Xi Jinping: Modernisasyong Tsino, may malinaw na target, plano at estratehiya

2023-04-13 16:17:54  CMG
Share with:


Sa kanyang paglalakbay-suri Miyerkules, Abril 12, 2023 sa isang sentro ng pananaliksik ng Guangzhou Automobile Group Co., Ltd., lalawigang Guangdong ng Tsina, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping na may pagkakaiba sa esensya ang modernisasyong Tsino at modernisasyon ng mga bansang kanluranin.

 

Aniya, ang modernisasyong Tsino ay batay sa realidad at aktuwal na kondisyon ng bansa, at mayroon itong malinaw na target, plano at estratehiya.

 

Pasusulungin ng Tsina ang modernisasyon sa pamamagitan ng matibay na hakbang, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio