Artikulo ni Xi Jinping sa bagong paderno ng pag-unlad, inilathala

2023-04-17 16:34:40  CMG
Share with:

Inilathala kahapon, Abril 16, 2023, sa Qiushi Journal, pangunahing magasin ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang artikulo ni Pangulong Xi Jinping hinggil sa pagpapabilis ng pagtatatag ng bagong paderno ng pag-unlad.

 

Pangulong Xi Jinping ng Tsina (file photo)


Nagsisikap anito ang Tsina upang maabot ang modernisasyon para sa mahigit 1.4 bilyong mamamayan, na mas marami kaysa sa kabuuang populasyon ng lahat ng maunlad na bansa sa kasalukuyang dagidig.

 

Ito ay mahirap at masalimuot na misyon kaya kailangang panatilihin ng Tsina ang matatag na direksyon ng pag-unlad, anang artikulo.

 

Anito, sa pamamagitan lamang ng pagpapabilis ng pagtatayo ng bagong paderno ng pag-unlad, at saka lamang mailalatag ng Tsina ang matibay na pundasyon sa pag-unlad ng ekonomiya, pagpapabuti ng seguridad at katatagan ng pag-unlad, at maigagarantiyang hindi maa-antala o mahahadlangan ang pambansang pagpapanumbalik ng sigla.

 

Maliban sa pagkilala sa bungang natamo sa pagtatayo ng bagong paderno ng pag-unlad, at tinukoy ng artikulo na marami pa ang kailangang gawin upang mabilis na maitayo ang bagong paderno ng pag-unlad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio