Plano ng pagtatapon ng nuclear-contaminated water ng Hapon sa dagat, tiyak na mabigo

2023-04-18 16:55:36  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, inilabas Abril 16, 2023, ng Pulong ng mga Ministro sa Klima, Enerhiya at Kapaligiran ng Group of 7 (G7) ang magkasanib na pahayag na hindi nagpahayag ng suporta sa plano ng pamahalaang Hapones na itapon ang nuclear-contaminated water sa dagat.

 

Kaugnay nito, ipinahayag Abril 17, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sinusubaybayan ng Tsina ang naturang ulat.

 


Aniya, ang unilateral na kapasiyahan ng pamahalaang Hapones na itapon ang nuclear-contaminated water sa dagat ay magdudulot ng panganib sa buong daigdig, kaya hindi maaaring kumuha ito ng anumang suporta.

 

Ipinahayag ni Wang na hindi dapat balewalahin ang makatuwirang pagkabalisa na inilahad ng komunidad ng daigdig, at dapat isabalikat ng pamahalaang Hapones ang karapat-dapat na responsibilidad nito.

 

Ang naturang aksyon ng Hapon ay dahil sa sarili nitong layuning pulitikal at ang maling aksyong ito ay tiyak na mabibigo, saad ni Wang.

 

Dagdag pa niya, ipinahayag ng komunidad ng dagidig ang mahigpit na pagkabalisa at pagtutol sa nasabing plano ng Hapon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil