Ang Marso 11, 2023, ay ika-12 na anibersaryo ng insidente ng Fukushima Daiichi nuclear power plant ng Hapon.
Kaugnay nito, ipinahayag Marso 14, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Minsitring Panlabas ng Tsina na, 12 taon na ang nakararaan, pero, sa halip ng masakit na aral mula sa insidenteng ito, pinapasulong ng pamahalaang Hapones ang plano ng pagtatapon ng radioactive waste water sa dagat.
Ito ay aksyon ng isang iresponsableng bansa, lumabag din ito ng pandaigdigang obligasyon ng Hapon, saad ni Wang.
Binigyan-diin ni Wang na, ang pagtatapon ng radioactive waste water sa dagat ay hindi suliraning panloob ng Hapon. Napakahalagang isyu ito na may kinalaman sa kapaligirang pandagat at kalusugan ng buong sangkatauhan.
Hinimok muli ng Tsina ang Hapon na tamang hawakan ang makatuwirang pagkabalisa ng iba’t ibang panig, aktuwal na isakatuparan ang pandaigdigang obligasyon nito, tanggapin ang pagsusuperbisa ng daigdig, at hahawakan ang radioactive waste water sa pansiyensiya, bukas, maliwanag, at maligtas na paraan.
Hindi maaaring simulan ng Hapon ang plano ng pagtatapon ng radioactive waste water sa dagat bago ang lubos na maki-koordina ang Hapon sa mga kapitbansa nito at kinauukulang organong pandaigdig, at mararating ang komong palagay, saad ni Wang.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil