UN at CMG Chinese Language Day 3rd Video Festival, matagumpay na pinasinayaan

2023-04-21 16:20:09  CMG
Share with:

Geneva, Switzerland – Matagumpay na pinasinayaan Abril 20, 2023, sa Palace of Nations, tangggapan ng United Nations (UN) sa Geneva, ang taunang “UN Chinese Language Day 3rd Video Festival.”

 



Sa loob ng darating na dalawang linggo, itatampok sa didyital na platapormang pang-media ng tanggapan ng UN ang programang iniprodyus ng China Media Group (CMG).

 

Ang 2023 ay ika-10 anibersaryo ng paglalahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa “Belt and Road Initiative (BRI).”

 

Kaya naman, ang tema ng UN Chinese Language Day 3rd Video Festival ngayong taon ay “Road.”

 

Kaugnay nito, tinanggap ng nasabing pestibal ang 939 applikasyong video artwork mula sa 37 bansa at rehiyon, at ilan sa mga ito ay ipapalabas. 


Nasa ikatlong pagdaraos na ngayong taon ang pestibal, at ito ay magkakasanib na itinataguyod ng CMG, Tanggapan ng UN sa Geneva, Pirmihang Delegasyon ng Tsina sa Geneva, at iba pang pandaigdigang organisasyon sa Switzerland.

 

Ito ay maituturing na ngayong isang instrumento ng pagsusulong ng pagpapalitan ng iba’t-ibang sibilisasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio