Pagbati, inihayag ni Xi Jinping sa bagong Pangulo ng Bangladesh

2023-04-24 16:58:00  CMG
Share with:

Ipinahayag Abril 24, 2023, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati kay Mohammed Shahabuddin Chuppu, sa kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng Bangladesh.

 


Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Bangladesh ay magkaibigang kapitbansa.

 

Sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Bangladesh, napapanatili aniya ang paggagalangan sa isa’t-isa, at nagtutulungan sa mga isyung kaugnay ng nukleong kapakanan, na naging modelo ng magpakaibigang pakikipamuhay at kooperasyon.

 

Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Bangladesh, at kasama ng Bangladesh, nakahandang magsikap ang Tsina para patuloy na pabutihin ang tradisyonal na pagkakaibigan, pasulungin ang magkasamang pagtatatag ng “Belt and Road,” at palakasin ang pag-unlad ng estratehikong partnership para makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng kapuwa panig, dagdag ni Xi.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio