Sa seremonya ng pagbubukas ng Pangkalahatang Asembleya ng Alliance for Cultural Heritage in Asia (ACHA), Abril 25, 2023, sa lunsod Xi’an, lalawigang Shaanxi, dakong gitna ng Tsina, binasa ni Shen Yiqin, Kasangguni ng Estado ng bansa ang liham na pambati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kung saan ipinatalastas ang opisyal na pagtatatag ng ACHA.
Sa kanya namang talumpati, tinukoy ni Shen na ang pagtatayo ng ACHA ay makakatulong sa pangangalaga ng kultural na pamana ng Asya, pagpapalalim ng pagpapalitang kultural ng Asya, pagpapabuti ng sibilisasyong pandaigdig, at mainam na ambag sa pag-unlad ng sibilisasyon ng sangkatauhan.
Diin niya, igigiit ng Tsina ang diwa ng liham na pambati ni Pangulong Xi.
Nakahanda rin aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng iba’t-ibang bansa ng daigdig, para sumunod sa komong palagay hinggil sa kultura, palawakin ang kahalagahan ng sibilisasyon, pabutihin ang pangangalaga sa mga kultural na relikya, at pasulungin ang kasaganaan ng kultura ng Asya.
Bukod dito, aktibong pasusulungin ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa larangan ng pamanang kultural, para makapagbigay ng bagong ambag sa pangangalaga ng katuturan ng sibilisasyong ng sangkatauhan, saad ni Shen.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio