Deklarasyon ng Hangzhou: pasulungin ang sustenableng pag-unlad sa pamamagitan ng pangangasiwa ng data

2023-04-28 16:39:22  CMG
Share with:

Ipininid kahapon Abril 27, 2023, sa lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang dakong silangan ng Tsina, ang Ika-4 na United Nations (UN) World Data Forum (WDF), at opisyal na ipinalabas ang Hangzhou Declaration.

 


Ayon sa deklarasyon, pasusulungin ang 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN sa pamamagitan ng pangangasiwa ng data o data governance.

 

Tinukoy din nito, na ang dekalidad, mabilis at inklusibong data ay masusing bahagi ng pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development, at pagharap sa mga krisis.

 

Sa panahon ng naturang porum, espesyal na itinayo ang 2,000 metro kuwadrado na sona para itanghal ang karanasan ng Tsina at daigdig kaugnay ng pangangasiwa ng data.

 

Kabilang sa top 3 larangang pinagtuunan ng panisin ay big data, artificial intelligence, at pag-aaral sa robotics.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio