Sa kanyang mensaheng pambati na ipinabot Abril 24, 2023, sa ika-4 na United Nations (UN) World Data Forum, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na matatag na sinusuportahan at isinasagawa ng Tsina ang 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN, iginigiit ang bagong ideya ng berde, bukas, at pinagbabahaginang pag-unlad ng inobasyon at koordinasyon, walang humpay na pinapabuti ang pundamental na pasilidad ng data, itinatatag ang pundamental na sistema ng data, pinapalakas ang konstruksyon ng data, at aktibong ibinabahagi ang karanasan ng Tsina hinggil sa pagsasagawa ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN.
Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang bansa, para palalimin ang pandaigdigang kooperasyon sa framework ng Global Development Initiative, tulungan ang pagsasagawa ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN, at magkakasamang itayo ang bukas na pandaigdigang kooperasyon sa larangan ng data at pasulungin ang magkakasamang pag-unlad ng iba’t ibang bansa.
Idinaos nang araw rin iyon sa Hangzhou, lunsod ng lalawigang Zhejiang ng Tsina, ang ika-4 na UN World Data Forum na may temang “Towards Data That Empowers Our World”.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng pagdaraos ng porum na ito sa rehiyong Asya-Pasipiko, at Tsina ang host country.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil