Xi Jinping, nanawagan sa mga estudyante na magbigay-ambag sa pagpapayabong ng kanayunan

2023-05-03 18:27:09  CMG
Share with:

Ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang liham sa mga estudyante sa isang programa ng China Agricultural University na lumahok sa produksyong agrikultural.

 

Ipinahayag ni Xi ang papuri sa naturang mga estudyante, dahil aniya, sa pamamagitan ng ganitong programa, naunawaan nila ang kalagayan ng mga magsasaka sa Tsina at natutuhan ang mga kaalaman sa agrikultura.

 

Umaasa siyang makakapagbigay ang mga estudyante ng mga pamantasan ng agrikultura ng sariling ambag para sa pagpapayabong ng kanayunan, at pagpapabilis ng modernisasyon ng agrikultura.

 

Ipinahayag din ni Xi ang pagbati at pangungumusta sa mga kabataan ng Tsina, para sa Araw ng Kabataan sa Mayo 4.


Editor: Liu Kai