Pagbati, inihayag ni Xi Jinping sa World Youth Development Forum

2022-07-21 16:39:21  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na pambati Huwebes, Hulyo 21, 2022 para sa World Youth Development Forum, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang mga kabataan ay kumakatawan sa pag-asa, at tagapaglikha ng kinabukasan.

 

Kaya, sa mula’t mula pa’y itinuturing ng Tsina ang mga kabataan bilang puwersang tagapagpasulong sa pag-unlad ng lipunan, dagdag niya.

 

Hinimok ni Xi ang mga kalahok na ipakita ang sariling kasiglahan sa proseso ng pagsali sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Umaasa rin aniya siyang ang naturang porum ay magsisilbing mahalagang plataporma para sa pag-aambag ng mga kabataan ng iba’t ibang bansa sa kaunlarang pandaigdig, at pagpapasulong sa kaunlaran.

 

Ipinagdiinan ni Xi na dapat palaganapin ng mga kabataan ang komong pagpapahalaga ng sangkatauhan na may kapayapaan, kaunlaran, katarungan, demokrasya at kalayaan; pasulungin ang Global Development Initiative sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon; at bigyang-tulong ang pagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN).

 

Ang tema ng naturang porum ay “Pagpapasulong sa Kaunlaran ng mga Kabataan: Paglikha ng Komong Kinabukasan.”

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio