Inihayag Linggo, Mayo 7, 2023 ng Liga ng mga Bansang Arabe (AL), na dahil sa espesyal na pulong ng mga ministrong panlabas ng liga, na idinaos nang araw ring iyon, nagpasyang panumbalikin ang pagiging miyembro ng Syria sa liga.
Ang pagbabalik ng Syria sa AL pagkaraan ng 12 taon, ay isang panibagong milestone sa proseso ng rekonsiliyasyon sa Gitnang Silangan.
Sa mas malaking perspektibo ng ebolusyon ng sitwasyon sa Gitnang Silangan, mula sa mediasyon ng Tsina, napanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Saudi Arabia at Iran, lumikha ito ng pagkakataon para sa pagbabalik ng Syria sa AL, at gumawa ito ng pagkakataon para sa pagpapagaan ng relasyon Syria sa AL.
Sa kasalukuyan, ang daigdig ay pumapasok sa panahon ng pagbabago. Walang habas na nakikialam ang Amerika sa mga suliranin ng Gitnang Silangan na nagdudulot ng maraming alitan at kaguluhan. Sa ngayon, lalong namumulat ang mga mamamayan ng Gitnang Silangan na dapat samantalahin ang kapalaran nila sa kanilang sariling kamay.
Malugod na tinanggap ng komunidad ng daigdig ang pagbabalik ng Syria sa AL. Ipinalalagay ng mga taga-analisa na ito’y makakabuti sa Syria sa pagpapalakas ng panrehiyong kooperasyon, pagpapabuti ng ekonomiya, at rekonstruksyon; ito rin ay makakabuti sa pagkakaisa ng mga bansang Arabe sa gayo’y gaganapin ang mas mahalagang papel sa platapormang pandaigdig; makakabuti rin ito sa ibayo pang pagpapahupa ng kalagayan ng Gitnang Silangan.
Sa ngayon, ipinadala ng mga mamamayan ng Gitnang Silangan ang malinaw na signal: nais nila ang kapayapaan, kaunlaran, at kagustuhang tumatahak sa nagsasariling landas, sa halip na sundin ang “script ng Amerika.”
Salin: Sarah
Pulido:Ramil