Ika-3 China-CEEC Expo & International Consumer Goods Fair, binuksan sa Ningbo

2023-05-17 15:47:45  CMG
Share with:


Ningbo, lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina – Binuksan Martes, Mayo 16, 2023 ang Ika-3 China-Central and Eastern European Countries (CEEC) Expo & International Consumer Goods Fair.

 

Sa ilalim ng temang “pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon, magkakapit-bisig na pagtungo sa kinabukasan,” itataguyod ng kasalukuyang ekspo ang isang serye ng makukulay at katangi-tanging aktibidad, kapuwa sa online at offline platform.

 

Ginagawang pangunahing pokus ng ekspo ang mga aktibidad na pangkabuhaya’t pangkalakalan, at mayroon ding 27 mahahalagang aktibidad sa mga larangang gaya ng siyensiya’t teknolohiya, turismo at kalusugan.

 

Itinayo ng ekspong ito ang tatlong sona ng pagtatanghal na kinabibilangan ng Central and Eastern Europe Exhibition, International Consumer Goods Exhibition at Imported Commodities Perennial Exhibition.

 

Sa 220,000 metrong kuwadrado na sona ng eksibisyon, itinatanghal ang mga paninda at serbisyo mula sa mahigit 10 bansa, at natamong bunga ng kooperasyon ng Tsina at CEEC.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil